Fallsineering 101
The Philippines is blessed with so many waterfalls but the question is what is the most beautiful waterfalls in the country?
To make it easier, I gathered my TOP 12 list of the Most Beautiful Waterfalls in the Philippines that i been to..
12. Buruwisan , Batya-Batya and Sampaloc falls in MT. Romelo
Been here twice but my last visit is not enticing to my eyes, basura ang sumalubong at nakakalungkot isipin na unti-unti ng nasisira ang natural na ganda ng romelo at ang tinatagong mga talon dito.
Been here twice but my last visit is not enticing to my eyes, basura ang sumalubong at nakakalungkot isipin na unti-unti ng nasisira ang natural na ganda ng romelo at ang tinatagong mga talon dito.
11. Naambon falls in Mt. daguldol
Na amaze ako sa talon na ito kahit konti na alang ang tubig.. nasubukan kong akyatin ang taas kahit walang lubid.. memroable ang climb na ito at ang talong ito kaya nasa listahan ko.
10. Matabungka falls in Mt. Humarap
Gorgeous. This is how i will describe this Falls. Kahit hindi ganun kalakas ang tubig that time may kakaibang ganda ang talong ito sa mata. Mahinang lagaslas ng tubig , malamig na simoy ng hangin at mga huni ng ibon ay sadyang kabigha-bighani.
9. Bunga Falls in Nagcarlan
Naway ang natural na angking ganda ng Bunga falls ay maalagaan at hin di mapabayaan. Maganda ang talong ito kahit hindi ako nagkaroon ng pagkakataong maligo dito.
8. Batlag and Daranak Falls in Rizal
Ang mga talong naghimok sa aking interes na maglakbay at makarating sa ibat-ibang talon sa bansa.
7. Hinulugang Taktak falls
Naway maibalik ang ganda ng talong ito, grade 4 ng akoy unang makarating dito , subalit ng magbalik ay basura at bula na lang ang makikita sa ibaba.
6. Bomod-ok Falls in Sagada
kahit anong lamig ng tubig ay sinuong maranasan lamang ang tubig sa talong ito.
5. Kabigan Falls in Pagudpud
Ang talong aking paulit-ulit na binabalik-balikan at hindi magsasawang balikan.
4. Tamaraw Falls in Mindoro
naligaw sa mindoro at napadpad sa talong ito.. sulit pa rin ang pagkaligaw dahil sa ganda ng tanawin.
3. Buntot Palos in Laguna
halos walang pinagbago ang talong ito, patuloy pa rin akong pinapahanga sa angking ganda ng talong ito.
2. Mahayhay Falls in Laguna
Ang Talong saksi ng pag-ibig.
1. Tappiya Falls in Batad
nakakapagod puntahan subalit sulit talaga sa mata.. kelan kaya kita mababalikan??